Fuck off.
sembreak

tapos na ang limang buwan na kalokohan sa eskwelahan. Panahon na para mag pahinga, tangina. Ang toxic ng first semester. Yung totoo lang, hindi pala ‘kalokohan’ yung nangyari sa loob ng limang buwan. Ang daming kaganapan, ang daming natutunan.

Siguro eto na ang worst sem ko sa apat na taon ko sa kolehiyo. Sumabay ba naman ang problemang pinansyal sa napakahirap na buhay ng pag-aaral, sinong hindi masisiraan ng ulo?

May mga desisyon na paulit ulit nating iniisip kung tama: may mga bagay lang talaga na dapat tuldukan.

Panahon na para bigyan ko ang sarili ko ng pahinga. Hindi lang sa pagaaral, kundi pati sa mga bagay na namumutawi sa aking kalooban.

Ilang araw na pahinga, balik pag aaral na naman. Ang huli kong halakhak, sa Marso na.